Mga balotang na-imprenta, umabot na ng 19-million

Posibleng mas maaga matapos ang pag iimprenta ng balota ng Commission on Elections.

Ayon kay Comelc Spokesman Director James Jimenez, sa ngayon nasa 30 percent na o katumbas ng 19, 705, 792 ang mga balota na kanilang na-imprenta, mas mabilis sa kanilang inaashan.

Sinabi ni Jimenez na lalo pang bibilis ang pag-imprenta dahil darating na rin ang karagdagang mga printer sa National Printing Office.


Posible aniyang matapos ang pag-imprenta bago pa man ang target date na April 25.

sinimulan na rin ngayon ang pag iimprenta ng mga balota sa Region 8.

Facebook Comments