Barangay Tanod at 2 pa na Wanted Person sa Isabela, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang tatlong katao kabilang ang isang barangay tanod na wanted person sa magkahiwalay na operasyon ng municipal police station sa Lalawigan ng Isabela.

Naaresto si Rudy Villanueva, 39-anyos, may-asawa, isang Tanod ng Brgy. Rang-ayan, Roxas, Isabela.

Dakong 3;30 kahapon nang isilbi ng PNP Roxas ang warrant of arrest ni Villanueva sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Damage to Property.


Naaresto rin ng pulisya ng Mallig si Jesus Daga, 48-anyos, may-asawa, construction worker at residente Brgy. San Jose Sur, Mallig, Isabela.

Dakong 4:00 kahapon nang mamataan ng pulisya si Daga sa Barangay Dy-Abra, Tumauini, Isabela sa kasong sa Serious Physical Injuries na may piyansang P36,000.00 base sa kanyang warrant of arrest.

Sa Lungsod naman ng Ilagan ay naaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest si Noel Mangawi, 54-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Bliss Village, City of Ilagan, Isabela.

Hindi na nakapalag si Mangawi nang arestuhin ng pulisya dakong 5:50 kahapon sa kasong Violation of Sec 5, Article II of RA 9165.

Ang tatlong akusado na naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya ay pansamantalang nasa pangangalaga ng pulisya para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments