BARANGAY TANOD SA BASISTA, NAHULIHAN NG HINIHINALANG SHABU SA KANYANG BAHAY

Arestado ang isang barangay tanod ng Basista, Pangasinan matapos mahulihan ng hinihinalang shabu.

Ikinasa ng pulisya ang operasyon sa bahay ng 47 anyos na suspek kung saan narekober ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit 20,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments