Barangay Tanod sa Jones Isabela, Binantaan at Tinutukan!

Jones, Isabela – Binantaan at tinutukan ang isang barangay tanod matapos umawat sa lasing na mangingisda sa Barangay Usol, Jones Isabela.

Ayon kay Police Chief Inspector Rex Pascua, hepe ng PNP Jones na ang biktima ay si barangay tanod Milanio Dela Cruz samantala ang mangingisda na lasing ay si Freddie Reyes.

Sinabi pa ni Police Chief Inspector Pascua na nanggulo si Reyes sa lugar na naglabas ng kaniyang baril at tinutukan ang barangay tanod.


Dahil dito tumakbo umano si Dela Cruz at nagtungo sa bahay ng barangay kapitan upang humingi ng tulong ngunit sinundan parin siya ng suspek.

Sa tulong din umano ng isa pang tanod na si Joan Lorenzo ay nakuha mula kay Reyes ang isang homemade pistol o mas kilala sa tawag na paltik at bala ng M16.

Iginiit pa ni Police Chief Inspector Pascua na nasa pag-iingat na ng PNP Jones si Reyes para sa karagdagang disposisyon.

Facebook Comments