Dating Senate President Juan Ponce Enrile, Maraming Tanong Hinggil sa Isinusulong na Pederalismo!

47

*Tuguegarao City- *Maraming tanong si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa isinusulong na Pederalismo dito sa ating bansa.

Base sa kanyang naging pahayag sa ginanap na Pressconference sa Tuguegarao City kasabay ng pagbubukas ng AFI Festival ng naturangLungsod, kailangan munang isa-isip ng maraming nagsusulong ng Pederalismo kung meron bang sapat na budget ang ating bansa na susuporta sa panibagong struktura ng ating pamahalaan.

Sinabi pa ni dating senate President Juan Ponce Enrile, manggagaling lamang umano sa ating bulsa ang mga bayarin sa mga pangsweldo sa mga madadagdag na opisyal at baka hindi umano sapat ang ating napipiga mula sa ating ekonomiya para gastusan ang pederalismo dito sa ating bansa.

Bawat rehiyon ay maaring magkaroon na rin ng sariling taxation system at sariling gobyerno na mas mangangailanagn pa ng mas malaking pondo.

Dagdag pa niya, base umano sa kanyang nabasa na laman ng proposed system ay kumplikado at maraming umanong problema ang kanyang nakikita kung itutuloy ang Pederalismo na magiging Sistema ng pamahalaan.

Facebook Comments