Baranggay Kapitan sa Northern Kabuntalan arestado ng PDEA ARMM

Arestado sa ginawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad ang isang barangay chairman at dalawang iba pa sa operasyon sa gabi ng Valentines sa Cotabato City.

Kinilala ng PDEA ARMM ang mga naaresto na sina Kanakan Bagundang, chairman ng Barangay Guiawa sa Northern Kabuntalan, Maguindanao, anak niyang si Mike, at isang Nasrudin Juanday.

Sinasabing si Bagundang ang main target ng operasyong ginanap sa Buliao 3, Poblacion Mother . Nasa top 4 priority target sa Maguindanao ang naaresto.


Nakumpiska mula sa operasyon ang mga sachet shabu na nagkakahalaga ng P150,000, dalawang kalibre .45 na baril, mga bala, digital weighing scale, passport at mga tseke.

Kasalukuyang himas rehas na ang mga nahuli at inihahanda na ang mga kaukulang kasong isasampa.

Facebook Comments