Barbero sa Santiago City, Tuloy pa rin ang Kita sa Kabila ng Pandemya!

Cauayan City, Isabela- Bilang tugon sa pangangailangan upang may pagkakitaan ang ilang tao gaya ng panggugupit ay minabuting ilapit sa mga residente ng Barangay Mabini ang pagtulong para sa mga barbero.

Ayon kay Purok President Ramon Cortez, minabuti nitong makipag-ugnayan sa mga barbero na walang hanapbuhay upang kahit papaano ay makatulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Nagkakahalaga sa P50.00 ang bayad ng bawat customer bata man o matanda.


Tiniyak naman ni Cortez na nasusunod pa rin ang physical distancing sa iba pang mga customer ng barbero.

Panalangin ng lahat na mawakasan na ang banta ng nakamamatay na sakit at manumbalik ang sigla ng bawat isa.

Facebook Comments