Barberong Nagpakita ng Baril, Arestado

Tumauini, Isabela- Huli ang isang indibidwal matapos magpakita ng isang baril.

Sa report na nakuha ng RMN News Cauayan mula sa PNP Tumauini, Isabela, bandang 8:45 ng gabi noong Disyembre 10, 2017 ay nirespondehan nila ang sumbong tungkol sa isang indibidwal na naglabas ng isang baril.

Agad namang tumungo ang PNP Tumauini sa Ugaddan Compound sa Barangay Arcon, Tumuini Isabela at agad itinuro ng isang witness ang indibidwal na naglabas ng baril.


Nang mapansin ang mga pulis ay tinangka pa umanong itapon ng suspek ang armas nito ngunit nagawa pa rin siyang arestuhin ng mga autoridad.

Dahil dito ay nakumpiska mula kay Ramir Timbang, 38 anyos, may asawa, isang barbero, at residente ng Arcon, Tumauini, Isabela ang isang kalibre 38 na baril. Ito ay walang lisensiya wala ring papeles.

Inihahanda na ngayon ng PNP Tumauini sa pangunguna ng hepe nila na si Police Chief Inspector Noel Magbitang ang kasong isasampa kay Ramir Timbang sa paglabag nito sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Magugunita na sa naunang panayam ng RMN Cauayan News ay ibinahagi ni PCI Noel Magbitang ang kanilang ginagawang kampanya laban sa ilegal na mga baril sa pamamagitan ng kanilang “Oplan Katok” upang maiwasan ang indiscriminate firing pagsapit ng pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

Facebook Comments