IWAS PEKE | Mga lumang serye ng perang papel, maaring palitan hanggang Disyembre 29 -BSP

Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hanggang sa Disyembre 29, 2017 na lamang nila maaaring papalitan ang mga lumang serye ng salaping papel.

Tinatanggap ang lumang bills sa BSP cash department sa Maynila, Quezon City at sa regional offices at branches.

Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, hanggang 100 libo piso lamang ang maaaring papalitan sa bawat transaksyon.


Maaari namang magpapalit ng higit pa sa 100 libong piso sa pamamagitan lamang ng tseke o ng direct credit sa bank account ng taong nagpapapalit.

Sinabi pa ni Guinigundo, na sakto ang deadline sa paglabas ng bagong serye ng salapi ng BSP ngayong buwan.

Aniya, pinapalitan ang disenyo ng pera bilang seguridad laban sa pamemeke nito.

Facebook Comments