Barberong Rapist sa Isabela, Arestado!

Barberong Rapist sa Isabela, Arestado!
Jones, Isabela – Arestado ang isang barbero dahil sa kasong panggagahasa.

Jones, Isabela – Arestado ang isang barbero dahil sa kasong panggagahasa.

Ganap na alas kwartro y medya kaninang hapon nang sinilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T Ong ng RTC Branch 24 Echague, Isabela laban sa suspek na kinilalang si John Dave Galvez, 18 anyos, binata at residente ng Brgy. Didian, Palanan, Isabela ngunit pansamantalang nakatira sa Brgy. Masaya Centro, San Agustin, Isabela.


Nadakip si Galvez sa Brgy. Napaliong, Jones, Isabela.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman laban sa suspek para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PNP Jones ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ito iprisinta sa korte.

Facebook Comments