Ama na nirarape ang apat na anak timbog sa San Carlos City, Pangasinan

San Carlos City – Arestado ang isang ama sa siyudad ng San Carlos na itinuturing na na number 1 most wanted person matapos ang panghahalay nito sa kaniyang apat na sariling anak na babae sa loob ng labing apat na taon.

Ayon kay Police Liutenant Colonel Rollyfer Capoquian, matapos ang isang taong pagtatago ng suspek na si Bonifacio Valerio, 47 anyos sa Quezon City nahuli kaninang madaling araw ang suspek sa kanilang bahay.

Sa edad na 7 years old paulit ulit ng hinahalay umano ang panganay na anak nito at isinunod ang tatlo pang anak. Ginagawa umano ng suspek ang panghahalay sa tuwing umaalis ang nanay ng mga biktima upang magtrabaho.


August 23, 2018 nang magdesisyon ang apat na anak ng supek na magfile ng kaso laban sa kanilang ama at buwan ng setyembere naglabas na ang korte ng warrant of arrest.

Sasampahan ang suspek ng 6 counts ng rape at 3 counts ng acts of lasciviousness at sa ngayon ito ay nasa kustodiya ng PNP San Carlos.

Facebook Comments