Thursday, February 12, 2026

BARIL AT ILIGAL NA DROGA, NAKUMPISKA SA ISANG TINDERO SA CALASIAO

Nakumpiska ang isang baril at mahigit 10 gramo ng hinihinalang shabu mula sa isang 47-anyos na tindero matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Calasiao, Pangasinan.

Isinagawa ang operasyon noong Pebrero 10, 2026 ng mga tauhan ng Calasiao Police Station sa pakikipag-ugnayan sa PDEA-RO1, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na residente ng nasabing bayan.

Tinatayang may kabuuang timbang na 10.79 gramo ang nasamsam na hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na ₱73,372.00, bukod pa sa baril na narekober sa kanyang posesyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calasiao Police Station ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa tamang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 at iba pang umiiral na batas.

Facebook Comments