Barira MPS nakaiskor, 2 tulak naaresto

Dalawa katao na sangkot sa droga ang naaresto sa ikinasang magkahiwalay na operasyon ng Barira MPS noong weekend.

Unang naaresto si Karudin Amigos 36 anyos residente ng Sitio Dam brgy. Gadung na nakumpiskahan ng 2 sachet ng shabu. Arestado rin si Guiarodin Sangkad 42 anyos ng Brgy Korosuyan na nakunan rin 2 sachet ng shabu.

Kasalukuyang himas rehas na sa Barira MPS ang dalawa at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165.


Nagpapatuloy naman ang mas pinalakas na kampanya ng kapulisan sa Barira para tuluyang matuldukan ang problemang hatid ng ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments