Namataan ang isang barko ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal, na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines Western Command – ang barko ay nananatili lugar sa loob ng halos tatlong linggo.
Unang namataan ang barko noong August 1, 2019 at umaalis lamang ito sa lugar kapag nauubusan na sila ng supply.
Paniniwala ng militar, ginagamit ang barko para i-monitor ang sitwasyon sa pinagtatalunang karagatan.
Pero hindi naman nito nakakaabala sa operasyon ng militar sa lugar.
Wala pang tugon ang embahada ng Tsina sa Pilipinas hinggil dito.
Bago ito, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na muling naghain ng diplomatic protest kaugnay dahil sa pagdaan ng mga barko ng China sa karagatan ng Pilipinas na walang paalam sa gobyerno.
Nanindigan din ang DFA na walang isusukong teritoryo ang Pilipinas.