Barko ng Japan Maritime Defense Force, bibisita sa bansa bukas

Darating  bukas sa Alava Wharf, SBMA, Olongapo City ang barko ng Japanese Maritime Self Defense Force o JMSDF na JS SAMIDARE (DD-106).

 

Ayon Kay Philippine Navy Spokesperson Capt. Jonathan Zata, ang pagdating ng barko sa bansa ay bahagi ng “goodwill visit” na magtatagal mula bukas hanggang sa Mayo a-19.

 

Ang naturang barko ay may sakay na 200 crew at 2 SH-60K patrol helicopters.


 

Ang Japanese delegation ay pagkakalooban ng tradisyunal na welcome ceremonies ng mga matataas na opisyal ng Phil Navy pag-daong nito sa Olanggapo ng alas-9 ng umaga bukas.

 

Pangalawang pagkakataon sa taong ito na magsasagawa ng “goodwill visit” Ang JMSDF sa bansa, kasunod ng pagbisita ng Japanese ship IKAZUCHI nitong Enero.

Facebook Comments