Comelec, tiniyak ang mabilis na pagsasagawa ng Random Manual Audit

33

Kumpiyansa ang Comelec at ang LENTE na magiging mas mabilis na ngayon ang Random Manual Audit sa resulta ng nakalipas na halalan.

 

Ayon sa Comelec, Kahapon dalawang ballot box lamang ang natapos i-audit.

 

Sa ngayon mahigit sa 300 ballot boxes na ang naka-standby sa isang secured na kwarto sa Diamond Hotel para maisalang sa RMA.

 

Target ng Comelec, PSA at LENTE na makapg-audit ng isa o higit pang Ballot boxes bawat mesa sa kada araw.

 

60 tables na pinupwestuhan ng bawat auditing team na may tig-tatlong guro mula sa public schools.

Facebook Comments