Nakabalik na sa South Harbor sa Maynila ang BRP Gabriela Silang matapos maghatid ng mga Locally Stranded Individual (LSI) sa Davao at General Santos.
Nasa 148 LSI ang naihatid kung saan 59 ang naibaba sa General Santos at at 89 sa Davao na maayos na tinaggal ng mga Local Government Unit (LGU).
Muli naman naghahanda ang BRP Gabriel Silang para magsasakay ng iba pang mga LSI papunta ng Visayas at Mindanao.
Nabatid na inabot ng dalawa’t kalahating araw ang biyahe ng naturang barko mula nang maghatid ng mga LSI kung saan wala namang naiulat na problema sa panahon.
Nakatakdang makipag-ugnayan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Task Group LSI para naman sa mga susunod na batch na isasakay ng barko.
Nakikiusap naman ang PCG na huwag dumeretso sa kanilang mga headquarter ang mga LSI dahil may mga naunang nakalista at kailangan masuri muna sila bago makasakay sa barko.
Sakay rin ng BRP Gabriela Silang ang mga tauhan ng PCG galing sa Mindanao para gawing augmentation sa Task Force Bayanihan ng PCG na naka-deploy sa airports at seaports.