Barko ng PCG, naghatid na rin ng medical supplies sa Cagayan de Oro

Nagbaba na rin ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ng medical supplies para sa mga frontline health workers ng Cagayan de Oro City.

Partikular na ibinaba ng Coast Guard ay mga ventilator, KN95 mask, surgical mask, face shield, sterile protective suit, protective gown, medical apron, medical overboot, at medical gloves.

Ihahatid ang mga naturang medical supplies sa Department of Health (DOH) Regional Office 10 para maipamahagi sa mga opisina at ospital na nakikipaglaban sa banta ng COVID-19 sa Cagayan de Oro.


Kahapon, naghatid din ang PCG patrol vessel na BRP Gabriela Silang ng Police Commando na tutulong sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Cebu.

Facebook Comments