Sinubukang itaboy ng Chinese Coast Guard (CCG) ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal noong Martes.
Sa inilabas na video ng PCG, maririning ang radio challenge ng CCG kung saan inutusan nito ang barko ng Pilipinas na lisanin ang teritoryo kahit na nasa loob naman ito ng exclusive economic zone ng bansa.
Nangyari ito habang nagsasagawa ng Maritime Domain Awareness (MDA) Flight ang PCG kung saan namataan nila ang barko ng China isang milya lang ang layo mula sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Wala pang inilababas na komento ang China hinggil sa panibagong insidente sa West Philippine Sea.
Kamakailan lang nang maghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa panunutok nito ng military-grade laser sa mga crew ng PCG na pilit namang itinanggi ng Beijing.