Barko ng Pilipinas, binangga ng China sa WPS

Muling nakapagtala ng panibagong insidente ng pangha-harass ng China sa mga barko ng Pilipinas na nasa West Philippine Sea.

Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea, isang Chinese Coast Guard vessel ang humarang at nag-maneobra malapit sa barkong patungo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal para sa resupply mission.

Hinarangan at nag-maneobra umano ang China Coast Guard Vessel 5203 malapit sa Unaiza May 2 sa layong 13.5 nautical miles east northeast ng BRP Sierra Madre.


Ang naturang aksyon ay tinawag ng task force na provocative o mapang-hamon, iresponsable at iligal lalo na’t nalagay sa alanganin ang buhay ng mga tripulanteng sakay ng Unaiza May 2.

Nilabag din anila nito ang soberenya ng Pilipinas at ang karapatan natin sa ilalim ng United Nations Charter, United Nations Convention on the Law of the Sea, Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea” at iba pang convention.

Bukod sa insidente, binangga pa ng isang Chinese Maritime Militia vessel ang BRP Cabra sa gitna ng resupply mission na nangyari naman sa layong 6.4 nautical miles northeast ng Ayungin Shoal.

Facebook Comments