Locsin sa tweet na dapat patayin ang mga batang Palestinian: “Sarcasm” lang

Humingi na ng paumanhin ang Special Envoy of the President sa China na si Secretary Teodoro “Teddy” Locsin Jr.

Kaugnay ito sa kaniyang kontrobersyal na tweet na nagsabing dapat umanong patayin ang mga batang Palestinian.

Paliwanag ng dating kalihim ng Department of Foreign Affairs, “sarcastic response” lamang niya ito sa isa pang post.


Hindi umano niya hinihiling ang pagkamatay ng kahit sino at sa halip ay gusto niyang matapos ang paniniwalang sumusuporta sa terorismo sa anumang paraan.

Nakasaad sa post ni Locsin na burado na ngayon na dapat paslangin ang mga batang Palestinian upang hindi na sila lumaki na sumusuporta sa mga rocket launch ng Hamas sa Israel.

Binanggit pa ni Locsin ang pagiging Muslim ng mga ito.

Nagpapatuloy ang gulo sa pagitan ng militant group na Hamas at Israeli Forces na nagsimula noong October 7.

Facebook Comments