Barko ng US at Russia, muntik nang magsalpukan sa PH Sea

Nagsisihan ang United States at Russia matapos ang muntikang banggaan ng kanilang mga warship sa bahagi ng Philippine Sea.

Ayon sa pacific fleet ng Russia, ang American-guided missile cruiser ang lumapit sa Russian destroyer habang binabaybay nito ang East China Sea kaya napilitan ang barko na magsagawa ng biglaang aksyon para maiwasan ang banggaan.

Bigla na lang agad nag-iba ng ruta ang barko ng Amerika at pumunta sa nilalakbay ng barko ng Russia.


Itinanggi naman ito ng US Navy at iginiit na ang Russian destroyer daw ang biglang nag-iba ng direksyon at naglayag sa papalapit na USS Chancellorsville.

Inilagay sa peligro ng barko ng Russia ang kaligtasan ng USS Chancellorsville at mga crew nito.

Wala namang naitalang nasaktan sa nangyaring insidente.

Facebook Comments