Meralco at ROS, panalo!

Inilampaso ng Meralco Bolts sa pangalawang pagkakataon ang Phoenix Pulse sa iskor na 101-95 sa nagpapatuloy na PBA Commissioners Cup.

Nanguna sa pagkapanalo ng koponan ang import nila na si Gani Lawal na nagtala ng 28 points, 26 rebounds at 3 blocks.

Sinamantala ng Bolts ang hindi paglalaro ni Calvin Abueva dahil sa pagpataw sa kanya ng indefinite suspension habang si Pulse coach Louie Alas ay suspendido ng dalawang laro.


Samantala, tinambakan naman ng Rain or Shine ang Barangay Ginebra sa iskor na 104-81.

Nagtulungan sina Rey Nambatac (30 points) at Densel Bowles (25 points) para tuluyang matalo ang Ginkings.

Sa standings may 1-2 na ang Rain or Shine habang 3-2 ang Meralco.

Facebook Comments