Manila, Philippines – Handa na ang pangalawang barko ng Philippine Coast guard na magdadala ng relief goods sa mga residenteng apektado ng bakbakan sa pagitan ng Maute group at pwersa ng gobyerno.
Sa interview ng RMN kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo – anumang oras ngayong araw ay tutulak na ang “BRP Pampanga” papuntang port of Iligan sa Mindanao at inaasahang darating bukas na gabi.
May dala aniya itong 5,000 relief packs mula sa Department of Social Welfare and Development at mga kagamitan mula sa PCG.
Una nang tumulak sa Mindanao, noong Huwebes ang BRP Batangas na may dalang 10,000 relief packs.
DZXL558
Facebook Comments