Barkong may kargang 350 toneladang langis, lumubog sa Sri Lanka

Gumagawa na ng paraan ang gobyerno ng Sri Lanka matapos ang naganap na worst-marine disaster sa kanilang bansa.

Ito ay matapos lumubog ang isang barko na nagdulot ng oil spill sa karagatan ng Colombo.

Ayon kay Navy Spokesperson Indika de Silva, patungong Colombo ang barkong MV X-Press Pearl mula sa Gujarat, India nang masunog ang barko.


Nangangamba naman ang Marine Environment Protection Authority (MEPA) sa pinsala na dulot ng oil spill.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlong opisyal ng barko na dalawang Russian at Indian national.

Facebook Comments