Manila, Philippines – Nag-umpisa nang magpatrolya sa Benham Rise ang barko ng Philippine Navy.
Idineploy ang BRP Ramon Alcaraz para magpatrulya sa Benham Rise at isama ang lugar sa regular na ruta nito.
Ayon naman kay BRP Alcaraz Skipper Commander Jeff Rene Nadugo – nagsimula ang patrolya ng Philippine Navy ship noong March 17 at nananatili ito sa Benham Rise hanggang ngayong araw.
Hindi pa nakatakdang bumalik ang barko sa station dahil iikutin nito ang Casiguran Area sa Aurora at ang 13 milyong ektarya ng Benham Rise.
Sakaling makakita sila ng Chinese vessel sa kanilang pagpapatrolya ay kukwestyunin nila ang presensya nito sa lugar.
Ang Benham rise ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Facebook Comments