INUMPISAHAN na ang lay-out sa itatayong Sangguniang Bayan building sa bayan ng Northern Kabuntalan, Maguindanao.
Sinabi ni Mayor Datu Ramil Dilangalen na ang pondo para sa pagtatayo ng gusali ay mula sa 20-million pesos na ipinagkaloob sa kanila ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao government.
Huhugutin din nila sa naturang pondo ang paglalagay ng bakod sa municipal hall at pagtatayo ng isang barangay hall.
Nais ng alkalde na okupahin ang isang hektaryang lupain na siyang magiging seat of government sa bayan.
Ayon kay Dilangalen, malaking bagay ang nabanggit na halaga para sa pagsisimula ng isang epektibong gobyerno sa isang bagong tatag na munisipyo.
Isang dekada din silang walang Internal Revenue Allotment mula nang ito ay itatag sa pamamagitan ng Muslim Mindanao Autonomy Act No. 205 subalit naitaguyod pa rin ng lokal na pamahalaan ang pamamahala sa bayan.
Sa tulong ng mga sumusunod na opisyal; former ARMM Governor Mujiv Hataman, Maguindanao Governor now Cong. Esmael Toto Mangudadatu at Former 1st District Cong. Bai Sandra Sema nagpatuloy ang serbisyo publiko at nanatiling matatag ang lokal na gobyerno, dagdag ni Dilangalen sa panayam ng Media.
SAMANTALA sumailalim na din sa orientation ng Government Service Insurance System(GSIS), Bureau of Internal Revenue(BIR), at Philippine Statistics Authority(PSA) ang lahat ng mga empleyado sa bayan kahapon.
Sinabi ni Vice Mayor Mary Jane Bayam na layunin ng orientation seminar ay upang malaman ng bawat empleyado ang kanilang mga tungkulin at benepisyo mula sa nabanggit na mga ahensiya ng pamahalaan.
PIC From LGU NK