PNP Chief Gamboa, Bibisita sa PRO-2 Ngayong Araw!

45

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang bumisita ngayong araw, Enero 29, 2020 si PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa sa Police Regional Office 02 sa pamumuno ni Regional Director PBGen Angelito Casimiro.

Inaasahan ang kanyang pagdating ngayong alas 10:15 ng umaga.


Ito ay upang pangunahan ang gagawing pagbabasbas at ribbon cutting sa bagong Admin building at Helipad ng PRO2, maging sa ground breaking ceremony sa ilan pang bahagi ng gusali.

Magtatagal hanggang bukas, Enero 30, 2020 si PGen Gamboa upang pangunahan rin ang inagurasyon at blessing sa bagong gusali ng Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2) at ground breaking ceremony ng Lady of Piat Shrine.

Nakahanda na ngayon ang kapulisan ng PRO2 para sa pagdating ng PNP Chief.

Facebook Comments