BARMM Government nakiisa sa Eidl Adha Celebration

26

Nagpaabot na ng kani- kanilang mga pagbati ang mga opisyales ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao kasabay ng selebrasyon ng Eidl Adha o the Feast of Sacrifice ngayong araw.

Ngunit kasabay ng Covid-19 Pandemic , walang congregational prayer sa ground ng BARMM.


Wala ring mga nailatag na mga aktibidad ang BARMM Government ngayong araw, itoy matapos maitaon rin sa Holiday.

Kung dati rati, punong -puno ng mga mananampalatayang Islam ang Congregational Prayer o Sambayang, bukod pa sa dinadagsa ng publiko ang pamamahagi ng Karne ng baka, sa ngayon,tanging malaking Tarpaulin lamang ang sasalubong sa mga magtutungo sa BARMM compound.

Bukod sa mga BARMM Officials nagpaabot na rin ng mensahe ng kapayapaan sina Maguindanao Governor Bai Mariam Mangudadatu at Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Sayadi.

Facebook Comments