Pangungunahan ng Bangsamoro Youth Commission (BYC-BARMM) ang selebrasyon ng International Youth Day (IYD) ngayong araw, August 12.
Magkakaroon ng iba’t-ibang aktibidad kaugnay ng selebrasyon kabilang na ang paglulunsad ng BYC at Bangsamoro Youth Transition Priority Agenda (BYTPA) 2020-2022, State of the Bangsamoro Youth Address at awarding sa mga nanalo sa short film fest and photography contest.
Ang International Youth Day ay naglalayong maiangat ang kamalayan tungkol sa kultural at legal issues na kinakaharap ng mga kabataan.
Ang tema ng selebrasyon ngayon taon ay “Youth Engagement for Global Action.”
Matatandaang nilagdaan ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ang Bangsamoro Autonomy Act No. 10 na opisyal na nagtatag ng BYC sa Bangsamoro Government.
Ang BYC-BARMM ay sa ilalim ng Office of the Chief Minister, ito ang humahawak at nakikipag-coordinate sa isyu, concerns, mga programa, proyekto at aktibidad ng mga kabataan sa rehiyon.
(BPI BARMM PIC)
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>