Mga nagka-COVID sa Cotabato City ,nakarekober na!

Masayang ibinalita ng Cotabato City Government ang impormasyon mula Health Department na nakarekober na ang pinakahuling pasyente na nagpositibo sa Corona Virus Disease.
Alas- otso kagabi ng ibinahagi ng City Government sa kanilang Facebook page ang magandang balita.
Ibig sabihin wala ng Active Case ng Covid-19 sa Cotabato City.
Matatandaang 28 na mga Cotabateños na karamihan ay mga umuwing LSI at ROF ang nagpositibo sa COVID-19.
Kaugnay nito, nagpapatuloy naman ang pagpapaalala ng City Government na ugaliin na iimplementa ang Minimum Health Protocol.
Nagpapasalamat naman ang City Government sa pakikiisa ng publiko sa patuloy sa paglaban sa Covid-19.
File PIC OHS Cotabato City

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments