BARMM, hindi mapag-iiwanan ng mga programang ipatutupad ng DA

Sa budget briefing sa Kamara ay binigyang diin ng Department of Agriculture (DA) na hindi dapat mapag-iwanan ang Bangsamoro Autonomous in Muslim Mindanao o BARMM sa mga ipinatutupad nilang programa lalo na kung may kinalaman sa pangunahing pangangailangan tulad ng bigas at mais.

Tugon ito ni Agriculture Undersecretary for Special Concern in BARMM Zamzamin Ampatuan sa tanong ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kung bakit hindi kasama ang BARMM sa mapa ng national rice program.

Paliwanag ni Ampatuan, hindi na isinama ang BARMM sa mga mabebenepisyuhan ng national subsidy programs dahil sa umiiral na Bangsamoro Organic Law.


Diin ni Ampatuan, dapat talaga ay walang bias sa BARMM pagdating sa mga programa ng DA lalo na’t ang BARMM ay pangunahing lugar din sa produksyon ng bigas at pangisdaan at naging top 5 din sa corn production.

Facebook Comments