10,000 mga bilanggo, naturukan na ng booster shot laban sa COVID-19

44

10,000 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang naturukan na ng booster shot laban sa COVID-19 kaugnay ng PinasLakas nationwide booster campaign ng pamahalaan.

Sa isinumite ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Department of Justice (DOJ), mula sa nasabing bilang, 9,877 PDLs ay mula sa New Bilibid Prison (NBP) Maximum Security Camp.

Isinagawa ang pagbabakuna sa mga preso sa Inmates Visitation Services Unit sa Muntinlupa City.


Ang mga inmate ay tinurukan ng AstraZeneca, Moderna at Sinovac booster brands.

Samantala, umaabot sa 705 PDLs ang tinurukan ng COVID booster sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) Central Compound sa Occidental Mindoro.

Karamihan sa inmates ay tumanggap ng kanilang una at pangalawang booster shots ng Pfizer at Sinovac.



Facebook Comments