Matapos ang isinagawang public consultation ng Ministry of Labor and Employment – o MOLE BARMM sa mga manggagawa at negosyante sa lahat ng nasasakupan ng Bangsamoro government kung saan pinakinggan ang mga hinaing at suhestiyon ng mga ito, kahapon ay isinapinal na ng Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board(BTWPB) ang bagong wage order. Ito ang siyang inihayag sa RMN Cotabato ni Minister Romi Sema.
Sa bagong wage adjustment ay mayroon adjustment subalit iro ay gagawan pa ng internal rules and regulation o IRR para sa implementasyon bago i-publish.
Dito sa Cotabato City ang kasalukuyang arawang sahod ay 311 sa non-agri, sa susunod na taon ay gagawin itong 325 pesos, samantalang sa agri ay 290 pesos na magiging 300 na.
Sa BARMM mula sa 270 pesos ay magiging 290 pesos na ang arawang sahod ng mga manggagawa sa agri at ang kasalukuyang non -agri na 280 pesos ay magiging 300 pesos na sa susunod na taon.