19-anyos, nanganak sa dance floor ng nightclub

7535

Inabutan ng panganganak ang isang babae sa dance floor ng isang nightclub sa France nito lamang Lunes.

Pasara na ang O’Club sa Toulouse nang mag-labor ang hindi pinangalanang 19-anyos bandang 5:30 ng umaga, ayon sa ulat ng CEN.


“There were not many people and a bouncer came to see me. He said ‘It’s urgent.’ I then saw that she was giving birth,” pahayag sa CEN ni Marie-Helene, manager ng club.

Tumawag sa ambulansya ang mga tauhan ng club at pinakinggan ang paramedics sa kung anong dapat gawin.

Naisilang naman nang maayos ang malusog na sanggol na ayon sa ulat ay binigyan ng “free entry for life” sa naturang club.

Paglilinaw pa ng manager, hindi umiinom ang babae at sinabing naimbitahan lang ng mga kaibigan para magliwaliw.

Facebook Comments

From Advertisers