BARMM magpapatupad ng panibagong wage adjustment

78

Matapos  ang isinagawang public consultation ng Ministry of Labor  and Employment – o MOLE  BARMM sa mga  manggagawa  at negosyante  sa lahat ng nasasakupan  ng Bangsamoro government  kung saan pinakinggan ang mga hinaing  at suhestiyon  ng mga ito, kahapon ay isinapinal na ng Bangsamoro Tripartite  Wages  and Productivity  Board(BTWPB) ang bagong wage order. Ito ang siyang inihayag sa RMN Cotabato ni Minister Romi Sema.

 

Sa bagong wage adjustment ay mayroon adjustment subalit iro ay gagawan pa ng internal rules and regulation o IRR para sa implementasyon bago i-publish.


 

Dito sa Cotabato City ang kasalukuyang arawang sahod ay 311 sa non-agri, sa susunod na taon ay gagawin itong 325 pesos, samantalang sa agri ay 290 pesos na magiging 300 na.

 

Sa BARMM mula sa 270 pesos  ay magiging 290 pesos na ang arawang sahod ng mga manggagawa sa agri at ang kasalukuyang non -agri na 280 pesos ay magiging 300 pesos na sa susunod  na taon.

Facebook Comments

From Advertisers