BARMM, nagdeklara na ng state of calamity dahil sa Bagyong Paeng!

Nagdeklara na ng state of calamity ang buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kasunod sa nangyaring malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Paeng.

Ito ay kinumpirma ng mga BARMM officials kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos ito ideklara ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim.

Layon nitong magamit ang quick response fund ng rehiyon upang tulungan ang mga residenteng naapektuhan ng bagyo.


Kaugnay nito, hiniling din ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na tulungan ang BARMM na makatanggap ng calamity funds.

Habang, inihayag naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang pamahalaan ay mayroong P1.5 bilyon na magagamit para sa relief operations, kung saan sa naturang bilang ay may P445.2 milyon para sa standby at quick response funds.

Samantala, hanggang kaninang umaga ay nasa 160 lungsod at munisipalidad na ang nagdeklara ng state of calamity dahil kay Bagyong Paeng.

Facebook Comments