381 na school buildings, sinira ng Bagyong Paeng – DepEd

Abot sa 381 na mga school building at mga imprastraktura ng Department of Education (DepEd) ang sinira ng Bagyong Paeng habang 261 naman ang partially damaged.

Ayon Kay DepEd Spokesperson Michael Poa, ang bilang ng mga damaged infrastructure ay posibleng madagdagan pa dahil sa nagpapatuloy na assessment ng mga regional offices ng DepEd.

Ayon pa kay Poa, nasa 528 na eskwelahan ang kasalukuyang ginagamit na evacuation centers ng mga apektadong pamilya.


Ani Poa, exempted muna ang mga eskwelahan na matindind naapektuhan ng bagyo sa pagpapatupad ng face-to-face classes o blended learning simula sa susunod na buwan.

Facebook Comments