Patuloy ang paalala ng Darul Ifta sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na ipagdiwang ang Eidl Fitr ng ligtas at naayon pa rin sa iniimplementang guidelines ng IATF upang makaiwas sa pinangangambahang Corona Virus Disease.
Hindi parin pinapayagan ang gagawing Mass Gathering kung kayat kabilang sa mga sinuspende ang mga aktibidad sa loob ng Mosque maging ang nakagawiang Congregational Prayers.
Nilinaw naman ni Grand Mufti Abu Huraira Udasan na hindi winawala ang mga religious practices ngayong Ramadan bagkus pinag-iingat lamang ang mga mananampalatayang Islam kontra Covid-19.
Maari namang magsagawa ng pagsamba sa loob ng kanilang mga tahanan kasama ang pamilya giit pa ni Grand Mufti.
Kaugnay nito, nagpaabot naman ng pagbati sa samabayang Islam si Grand Mufti. Inaasahang bukas o sa araw ng lingo, ipagdiriwang ang Eidl Fitr.
Samantala nagpaabot na rin ng kanilang mensahe ng Kapayapaan ang Barmm Government sa pangunguna ni Chief Minister Ahod Ebrahim maging si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Google Pic