BARMM, wala pang naitatalang Delta variant ng COVID-19

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na tanging ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na lamang ang rehiyon sa bansa na walang naitatalang local case ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, maaring dahilan nito ay ang kaunting samples na nakukuha galing sa naturang rehiyon.

Habang mayroon nang naitalang Alpha o Beta variant sa lahat ng rehiyon at lungsod sa National Capital Region (NCR).


Lahat din aniya ng rehiyon sa bansa ay nakapagtala na ng P.3 variant, na unang na-detect sa Pilipinas.

Facebook Comments