Baron Geisler, tinanggal sa teleseryeng “Ang Probinsyano”?

17284
Image from ABS-CBN Entertainment/Ang Probinsyano

Diretsahang sinagot ng aktor na si Baron Geisler tungkol sa mga balitang kumakalat na sinibak siya sa teleseryeng “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

“Not true. Fake news!”, tugon ni Geisler sa mga mamamahayag nitong Martes.


Matatandaang may lumabas na blind item hinggil sa isang artistang tinanggal sa isang patok na soap-opera dahil babalik ito sa rehabilitation center.

Hinihinalang si Baron ang tinutukoy sa nasabing tsismis hanggang sa tuluyan siyang pangalanan ng ilang entertainment news websites.

“As long as we know I’m still in Probinsyano, nothing to worry. I’m doing well. Okay na po ‘yon. Less chika, more on showing,” ayon sa kontrabida ng sikat na programa.

“Kita naman po sa posts natin po everyday na lumabas ako sa Probinsyano. Nakikita naman nila ako everyday sa show,” saad pa ni Geisler.

Nakaset na nga ang pagbabalik ng aktor na si Baron Geisler sa rehabilitation center para sa tuluy-tuloy na paggagamot sa hindi niya mapigilang severe alcoholism.

(BASAHIN: Baron Geisler, balik-rehab nga ba?)

Matatandaang humingi siya ng pahintulot sa pamunuan ng kinabibilangan palabas para sa pagpapatuloy ng panggagamot sa matinding pagkalulong sa alak.

Facebook Comments

From Advertisers