Barrier, hindi na kailangan para sa mag-asawa na magka-angkas sa motorsiklo

Suportado ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan ang mag-asawang magka-angkas sa motorsiklo.

Pero giit ni Recto, hindi na kailangan ang barrier sa motorsiklo kung mag-asawa naman ang sakay dahil siguradong sa loob ng bahay ay magkasama ito at magkasiping matulog sa gabi.

Sa tingin ni Recto, sapat na ang mask at helmet para sa mag-asawang sakay ng motorsiklo.


Nababahala rin si Recto na baka ang barrier ay maka-apekto sa roadworthiness ng motorsiklo at sa kaligtasan ng driver at angkas.

Mungkahi ni Recto, idaan muna sa test runs at workshop review ng mga eksperto ang paglalagay ng barrier sa pagitan ng driver at angkas ng motorsiklo.

Facebook Comments