
CAUAYAN CITY – Arestado ang isang bartender matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office 2 (PDEA RO2) sa Bypass Road, Purok 7, San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang suspek bilang alyas “Susan” na residente ng Barangay Nuesa, Roxas, Isabela.
Nahuli sa akto si “Susan” matapos magbenta ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa halagang P1,088.00 sa isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.
Kabilang sa mga nakumpiskang ebidensya sa operasyon ay isang pirasong ₱1,000 bill, isang bag, isang glass tooter pipe, isang blue mentos box, isang cellphone, isang lighter, at isang motorsiklo.
Matapos ang isinagawang imbentaryo dinala ang suspek sa Cauayan City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.
Samantala, mahaharap ang suspek sa kaosng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.







