Manila, Philippines – Umapela si Senate President Vicente Sotto III sa mga pribadong kumpanya na huwag ilaglag ang kanyang panukalang bigyan ng 14th month pay ang kanilang mangagawa.
Paghihimok ni Sotto sa kanyang mga kritiko, rebyuhin muna ang kanyang panukalang batas bago ito tutulan.
Aminado si Sotto, may ilang kumpanya ang ma-e-exempt sa panukalang batas kung mapapatunayan sa kanilang declaration of income sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi nila kanyang magbigay ng 14thmonth pay.
Sa ilalim ng senate bill no. 2 ang lahat ng rank-and-file employees anuman ang kanyang employment status at designation ay entitled ng 14th month pay bawat taon.
Ang 14th month pay ay dapat ibigay hindi lagpas ng December 24.
Facebook Comments