BASE SA PAG-AARAL | Mga kababaihan, lalo lamang mahihirapan kapag naisabatas ang Divorce Bill

Manila, Philippines – Naniniwala si Magdalo PL Rep. Gary Alejano na lalo
lamang mahihirapan ang mga kababaihan sa oras na maging ganap na batas ang
Divorce Bill.

Para kay Alejano, kung iniisip ng karamihan na pro-women ang divorce bill,
nakaligtaang silipin na lalong magpapahirap sa mga kababaihan ang nasabing
panukala.

Batay sa isang British study, ang diborsyo ay mayroong positibong epekto sa
finances ng mga lalaki kumpara sa mga babae.


Nasa tatlong beses na mas mataas o 27% ng mga hiwalay na babae sa asawa ang
nasa poverty rate habang 31% ng mga separated mothers lamang ang
nakakatanggap ng sustento sa mga dating asawa.

Sinabi pa ng kongresista na dahil dito ay mas magbebenepisyo sa panukalang
diborsyo ang mga lalaking asawa.

Asahan na rin aniya ang masamang maidudulot ng divorce sa mga anak tulad ng
behavioral at social problems, pagiging negatibo sa mga bagay, mas mataas
na tsansa na magkaroon ng depression, maging bayolente, at high risk na
magpakamatay o suicide.

Facebook Comments