MAGBALIK LOOB NA | 49 taon ng NPA, wala nang saysay – DND Secretary Lorenzana

Manila, Philippines – Wala nang saysay ang 49 na taong pakikipaglaban ng
NPA sa pamahalaan.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa nalalapit na ika
49 na anibersaryo ng NPA sa Marso a-29.

Kaya naman muling nanawagan si Lorenzana sa mga NPA na ibaba na ang
kanilang mga armas at makipagtulungan na sa pamahalaan sa pagsulong ng
kapayapaan.


Payo ni Lorenzana sa NPA na mag-isip silang mabuti dahil kung hindi aniya
sila nanalo ng 49 na taon sa gobyerno, ay tiyak na malabo rin silang
manalo sa susunod na 50 taon.

Kaugnay nito tiniyak naman ni AFP Spokesman Bgen. Bienvenido Datuin na
naka-alerto ang AFP sa anumang possibleng binabalak ng NPA sa pagdiriwang
ng kanilang anibersaryo.

Naging tradisyon na kasi ng NPA na maglunsad ng pag-atake at panggugulo sa
kanilang anibersaryo na sinasabayan din ng kilos protesta ng mga
makakaliwang grupo.

Facebook Comments