Baseco beach, dinumog pa rin ng mga nais mag-swimming

Manila, Philippines – Tinatayang nasa 5,000 katao ang dumagsa sa tinaguriang “Baseco Beach” sa Tondo, kahapon.

Ayon kay Barangay 649 Chairperson Diana Espinosa, hindi nila mapigilan ang pagdagsa ng tao sa Baseco kaya imbis na harangin ay nagpatupad na lamang sila ng safety measures.

Bukod pa rito ay naglagay rin ng donation box ang barangay sa entrance ng Baseco para magkaroon ng pondo para sa clean-up nito.


Nauna nang ipinagbabawal ng pamahalan ang pagligo sa “Baseco Beach” at iba pang bahagi ng Manila Bay dahil hindi pa natitiyak na bumaba na ang fecal coliform doon.

Facebook Comments