Manila, Philippines – Ongoing pa rin ang briefing ng mga security officials sa mga senador.
Kasama sa nagbibigay ngayon sina Armed Forces of the Philippines Chief General Edwardo Ano, Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon at iba pang opisyal ng sandatahang lakas.
Habang ang mga senador naman na andirito na ay sina Senate President Koko Pimentel, Senators Ralph Recto, Gringo Honasa, Richard Gordon, Sherwin Gatchalian, Bam Aquino, Risa Hontiveros, at Migz Zubiri.
Aminado sina Senator Pimentel at Tito Sotto III na nagulat sila na hanggang December 31 pala ang extension ng martial law sa buong Mindanao na hinihiling ng pangulo.
Akala nina Pimentel at Sotto ay hanggang 60 araw lang ang hirit na extension.
Maging si Senator Gordon, ay pabor din na 60- days lang ang gawing extension.
Para naman kay Senator Zubiri, makabubuti kung 120 days lang muna ang martial law extension para agad na maisailalim sa rehabilitation ang Marawi na inatake ng Maute terror group.
Ayon naman kay Sen. Aquino, nais nilang ipaliwanag na mabuti ng security officials kung bakit kailangang na hanggang December 31 ang pagpapalawig ng martial law sa buong Mindanao.