Basel Ban Amendment, dapat na umanong ratipikahan ayon sa isang environmental

Dahil sa isyu ng mga inangkat na basura galing Canada, iginiit ngayon ng isang grupong maka kalikasan na ipriyoridad  ng Administrasyong Duterte na ratipikahan na ang Basel Ban Amendment . 

Ang Ban Toxics ay isang  toxic waste watchdog na nagsusulong ng  environmental justice sa Southeast Asia. 

Nakahanda ang BAN Toxics  na ikampanya ang laban ng Pilipinas laban sa pang aaliousta ng  mayayamang bansa tulad ng Canada. 


Ayon kay Dawn Po Quimque,tagapagsalita ng grupong Ban Toxics, isang uri  ng  exploitation ang kalahating dekada na ginawang tambakan ng Canada ng  hazardous wastes ang Manila .

Idinagdag ng grupo na hindi na dapat maulit ang pagbibingi bingihan ng  ilang bansa na ginagawang tapunan ng basura ang Pilipinas.

Facebook Comments