Basement nasunog sa isang residential house ng RH-8

*Isang maliit na sunog naman ang naganap noong sabado 6:56 ng umaga sa mercury street barangay Rh-8 ng lungsod…Ayon sa tagapagsalita ng BFP Cotabato City FO2 Aldrin Nara, nasunog ang basement ng bahay na pag-aari ni Mr.Arumpac, na inuukupahan naman ni Liberty Biruar.*
*Mabilis namang nakapagresponde ang mga pamatay sunog, na mabilis na naagapan at hindi na nilamon ng apoy ang buong bahay..Sinabi pa ni FO2 Nara na hindi pa nila batid kung anu ang pinagmulan ng apoy habang nagpapatuloy ang inbestigasyon.*
*Tinatayang nasa 18,000 pesos lang ang kabuuang pinsala ng naturang sunog…Pinag iingat naman nito ang publiko na umiwas sa pagsusunog ng mga basura o pagsiga dahil sa sobrang tuyo ang kapaligiran dahil sa matinding init, na maging sanhi ng mga grass fire o sunog.*

Facebook Comments